Balita

Guguluhin lamang ang isyu

- Ric Valmonte

AYON kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, dahil sa masyadong nadismaya si Pangulong Duterte sa mga alegasyon ng corruption sa Philippine Health Insurance Corp. (Phil Health), iniatas niya ang paglikha ng task force na magimbesti­ga na rin sa nasabing ahensiya. Ang anomalya ay muling pumutok sa pagreresig­n at

paghahayag ng mga whistleblo­wer sa pangunguna ni PhilHealth anti-fraud legal officer Thorrson Montes Keith. Kaya, muling kumilos ang Senado upang magsagawa ng investigat­ion in aid of legislatio­n. Sa unang araw ng imbestigas­yon, dito isiniwakat ni Keith na tinatayang P15 bilyong pondo ng ahensiya ang naibulsa ng mga corrupt officials. Pati na rin ang Kamara sa pamamagita­n ng komite nitong pinangungu­nahan ni Anakalusug­an Party List Rep. Mike Defensor. Ayon sa ulat, pinagsusum­ite sa komite ang mga inimbitaha­n nitong mga resource person na mga opisyal ng ahensiya ng kanilang Statement of Assets and Liabilitie­s Networth (SALN) bago pa man magsimula ang pagdinig.

Ang paglikha ng task force ay laman ng memorandum na inisyu ng Pangulo na inaatasan niya si Justice Secretary Menardo Guevarra na siyang mag-oorganisa nito at binigyan ng kapangyari­han ang kanyang departamen­to na obligahin ang iba pang ahensiya ng gobyerno na maging kasapi o

katulong nito. Pinaiimbit­ahan din niya kay Guevarra ang iba png constituti­onal bodies at commission na maging miyembro ng task force. Bago ang memorandum na ito, nagimbesti­ga na ang Presidenti­al AntiCrime Commission (PACC) sa alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.

“Ang ginawa ng Pangulo na paimbestig­ahan ang PhilHealth, ay pagpapakit­a ng kanyang zero-tolerance sa anomalya at nais niyang malaman ang katotohana­n hinggil dito. Mukhang dismayado na ang Pangulo. Ilang beses nang inimbestig­ahan ng Kongreso ang PhilHealth pero walang nangyari. Kaya, nagbigay siya ng kapangyari­han hindi lamang para magimbesti­ga, kundi para magsuspind­i pansamanta­la ng mga iniimbetig­ahan,” wika ni

Tama si Roque. Ilang beses nang umalingasa­w ang malaking pondong katiwalian sa PhilHealth na nagbunsod sa ilan nang mga imbestigas­yon, pero wala

ring naging bunga. Ang ginawa ng Pangulo, tulad ng mga ginawa niya sa ibang ahensiya, ay palitan ang mga pinuno na sangkot sa anomalya. Bakit sa kabila nga mabagsik na banta ng Pangulo laban sa corruption ay nagpapatul­oy ito? Katunayan nga, ay lumubha pa. Kasi, mayroon mang nasasampah­an ng kaso o nasesenten­siyahan ay mga maliliit na empleyadon­g sinasala ng mga imbestigas­yon, at gaya ni Faeldon ay napromote pa. Tulad ng nangyayari ngayon, marami na ang nagiimbest­iga sa PhilHealth, pakitang-tao lamang ito. Ang layunin ng mga ito ay guluhin ang isyu at iligaw ang mamamayan sa talagang dapat managot. Halimbawa, ang ginagawa ni Defensor na pagsumitih­in ng SALN ang mga resource person ng SALN, ang utos ng Pangulo na isailalim sa lifestyle check ang mga iimbestiga­han. Kung kasama rito ang mga whistleblo­wer, sa mga ito lang, o kaya isasama sila sa mga pananaguti­n depende sa gagawin nila sa imbestigas­yon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines