Balita

PRRD, kunin na ang palakol at palakulin ang mga tiwaling opisyal

- Bert de Guzman

MULI, kung paniniwala­an natin ang mga survey, lumilitaw sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong Biyernes na kalahati ng adult Filipinos ay sumasang-ayon o naniniwala na mapanganib ang maglathala o magbroadca­st ng ano mang bagay na kritikal sa Duterte administra­tion.

Batay sa isang mobile phone survey na ginawa ng SWS noong Hulyo 3-6 na ang pangulo ay si Mahar Mangahas, may kabuuang 51 porsiyento ng tinanong o respondent­s ang kumakatig sa pahayag na “It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administra­tion, even if it is the truth.”

Sa pagtutuos, 22 porsiyento ang tahasang sumasang-ayon samantalan­g ang 27% ay medyo kumakatig naman. Ang dalawang porsiyento ay walang masabi. Para sa akin, hindi ko puwedeng sabihin na tama ang SWS survey sapagkat kahit kailan ay hindi man lang akong natanong ng SWS sa ano mang isyu.

Samantala, may 30 porsiyento ang di-sang-ayon sa survey at 18% naman ay walang masabi o undecided. Dahil dito, ang overall net agreement score na +21 (percent who agree minus percent who disagree), ay maituturin­g daw na moderate.

Nag-ulat din ang SWS ng isang mas malakas at malaking net agreement o pagsang-ayon na ang pagtanggi ng Kongreso na pagkalooba­n ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, ay malaking sampal sa press freedom, laluna sa naniniraha­n sa Mindanao at sa Visayas at sa hanay ng kulang ang edukasyon.

Sa SWS survey na ginawa sa pamamagita­n ng mobile phone at computer-assisted telephone na panayam, may 1,555 adult Filipinos ang lumahok sa buong bansa. Kabilang dito ang 306 sa Metro Manila, 451 sa Luzon, 388 sa Visayas at 410 sa Mindanao.

Sa ngayon, marami naman ang puna at batikos na inihahagis kay

Pres. Rodrigo Roa Duterte (ROA) ng mga kritiko at mamamayan, pero tinatangga­p niya ito. Malaya pa rin naman ang mga netizen na magsulat sa social media ng kanilang saloobin laban sa gobyerno, sa mga miyembro ng gabinete at mga pinuno ng mga ahensiya at tanggapan.

Ang napapansin lang ng ating mga kababayan, parang binabalewa­la ng ating mga lider na sibakin ang mga opisyal na umano’y sangkot sa kurapsiyon at pandarambo­ng sa pera nina Juan dela Cruz, Pedro Pasang-Hirap at Mariang Tindera, gayong maliwanag ang banta noon ni Mano Digong sa mga hepe ng mga tanggapan na sisibakin sila at palalayasi­n “In just a whiff of corruption.”

Aba, hindi lang “whiff” o bahagya ang mga katiwalian at kabulukan sa ilang tanggapan, ahensiya at departamen­to ng ating pamahalaan kundi “Surge” o “Storm” pa ng kurapsiyon. Obserbahan ang umiiral umanong corruption sa PhilHealth, sa Bureau of Correction, sa Bureau of Internal Revenue, sa Bureau of Immigratio­n at sa iba pa. Mr. President, kunin mo na ang palakol at palakulin ang mga ulo ng tiwali, ganid at suwail na tauhan at opisyal ng gobyerno.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines