Balita

EA Guzman, may payo para makaiwas sa scam

- Reggee Bonoan

GRABE, habang sinusulat namin ang balitang ito ay nagkakagul­o ang social media dahil sa Face Shield na na kaliwa’t kanan ang naghahanap at about milyones ang perang pinag-uusapan, iyon pala SCAM lang.

Nadaanan namin ang pagbubunya­g sa pamamagita­n ng video ni Xian Gaza ang lalaking na-link noon kay Erich Gonzales at isa rin siya sa naghahanap ng face shield na ito raw ay malinaw na scam.

Sinundan din ng video ni PCol Jaime Santos ng San Juan City nakausap nila ang maraming taong naghihinta­y ng kanilang order mula sa supplier sa Ortigas Avenue nitong Linggo, (Agosto 9) ng umaga pero hindi sumipot at umabot sa P16M ang nawalang pera kaya binalaan ng nasabing opisyal na mag-ingat at huwag maniwala sa mga nababasa sa Facebook.

Kaya namin ito isinulat ay dahil ganito rin ang pahayag ng aktor na si Edgar Allan

Guzman na huwag basta maniniwala sa social media dahil maraming manloloko sa online.

“Kasi maraming, alam mo naman hindi ko naman sinasabing maraming scammers or something. Nag-iingat lang tayo. Marami ang mga manloloko ngayon, maraming tao na nagpaplano­ng ’yun ang gawing trabaho nila habang pandemic kasi nga hindi sila makapasok.

“Huwag magpadalos-dalos. ’Pag naisip na ‘Ganito ’yung itatayo ko, ganito dapat,’ no. ‘Ganito ’yung perang ilalabas ko,’ no. Maging wise sa pagdedesis­yon.

“Lahat ng mga tao gusto nila safe, malinis ’yung ibibigay mo sa kanila. Lagi tayong may safety protocols, ipakita natin sa kanila na kung ano man ’yung business mo, mapa-pagkain man ’yan, malinis ’yung binibigay natin sa kanila.

As of now ay wala pang regular show si EA dahil nga sa pandemic bukod pa sa isinailali­m pa sa MECQ ang Metro Manila kaya apektado na naman ang tapings ng mga teleserye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines