Balita

Jennylyn-Rhian kiss, pinagkagul­uhan

- Nora V. Calderon at Nitz Miralles

NAGULAT ang netizens na sumusubayb­ay sa last episode ng GMA drama anthology na I Can SeeYou: Truly, Madly.

Deadly. Hindi kasi nila inaasahang may kissing scene ang lead stars na sina Jennylyn Mercado at Rhian

Ramos, na gumaganap bilang magbest friend na sina Coleen at Abby, respective­ly.

Dahil sa eksenang ito, nagtrendin­g at naging usap-usapan ang pilot episode nila last Monday, October 19. Kahit smack lang sa lips ni Jennylyn ang ginawa ni Rhian, ang lakas pa rin ng impact.

Nagbiro pa si Rhian sa isa niyang tweet, “Hi. Na-kiss ko na si Miss Jennylyn Mercado. Surprise!”

Umani ng positive feedback sa viewers ang unexpected kissing scene ng dalawa.

“Grabe ang bilis ng pangyayari! You really kissed her OMG... nasurprise kami dun,” comment ng isang netizen.

Kaya nakakatuwa ang reaction ng viewers sa naiibang kwento ng serye na may halong romance at mystery.

May mga request ng extension ang viewers.

“Nakakatuwa ‘yung pacing. Not a single boring scene. Just when you thought you saw everything in the teasers, and dami pa palang pasabog. Make this a full-length series, please. Congrats to the team!” sabi ng isa pa.

Sinundan ‘yung ng mga eksena ni Dennis Trillo (bilang Drew) na dinidilaan ang mukha ni Jennyln na nasa screen ng CCTV na kanyang install sa kuwarto niya.

May eksena pang sinisingho­t ni Dennis bilang si Drew si Coleen habang natutulog. May isa pang eksena na parang pinapasaya ni Dennis ang kanyang sarili, kaya naloka ang viewers.

Wala pang reaction si Dennis sa mga eksena niyang pinag-uusapan din online.

Mamayang gabi na ang finale ng “Truly. Madly. “Deadly!” Ano ang misteryong mabubunyag sa pagitan nina Coleen, Abby at Drew, 9:15 PM pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines