Balita

Trump court nominee, lusot sa Senate

-

WASHINGTON (AFP) — Inilusot ng Senate Judiciary Committee ang konserbati­bong pinili ni US President Donald Trump para sa Supreme Court, si Amy Coney Barrett, nitong Huwebes habang binoykot ng Democrat ang botohan at nagsabibg malapit na ito sa halalan sa Nobyembre 3.

Ang unanimous vote, na wala ang lahat ng mga Democrat, ay naglatag ng entablado para sa buong pag-apruba ng Senado sa simula ng susunod na linggo kay Barrett, na ikiling nang mahigpit pakanan ang mataas na hukuman.

Nitong Miyerkules, binansagan ng Democrats ang proseso ng nominasyon ng isang “sham” na sumira sa dating mga pangako ng Republican na hindi boboto sa isang nominado ng Supreme Court na malapit na sa presidenti­al election.

Ngunit binalewala ni Republican committee chairman Lindsey Graham ang kanilang aksyon, at, itinuloy ang botohan.

“That was their choice,” aniya bago ang pagboto. “It will be my choice to vote the nominee out of committee. We are not going to allow them to take over the committee.”

Ang nominasyon ni Barrett ay pupunta ngayon sa buong Senado para sa debate at isang nakaplanon­g boto sa Lunes.

“Big day for America!” tweet ni Trump tweeted matapos bumoto ang komite.

Ang isang matagal nang propesor sa batas sa University of Notre Dame, at appeals court judge sa nakaraang tatlong taon, ang 48-taonggulan­g na si Barrett ay sumusunod sa isang medyo fundamenta­list school of US judicial thought, originalis­m, at isang debotong Katoliko.

“I certainly hope that all members of the committee have more confidence in my integrity than to think that I would allow myself to be used as a pawn to decide the election for the American people,” sinabi niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines