Balita

I played the game right and fair— Rabiya Mateo

- Dante A. Lagana

BINABALOT ng kontrobers­iya ang pagkapanal­o ng Ilongga beauty queen na ngayon ay kinoronaha­ng Miss Universe Philippine­s 2020 na si Rabiya Mateo. Siya ang kauna-unahang winner ng prestigiou­s pageant sa bagong franchise sa pamumuno ng dating 2011

Miss Universe 3rd runnerup Shamcey Supsup-Lee. Sumambulat sa social media ang mga pasaring na pinukol ng co-candidate ni Rabiya na si Ms. Taguig

Sandra Lemonon sa naging resulta ng pageant na ipinost niya sa kanyang Instagram stories. Aniya,

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest and speak facts.” Sinundan pa niya ito ng: “The truth always comes out. It’s just about timing. Karma si real soon. Because we deserve justice.” Hindi naman nagpahuli ang national director ng pageant na si Shamcey Supsup-Lee dahil mayroon din siyang banat. Sey niya, “To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility – these are the marks of a true QUEEN.” Aba’y ayaw paawat ni Sandra dahil may hirit siyang sagot sa ipinost ni Shamcey. Saad niya, “Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say Is that REAL queens Play FAIR don’t CHEAT.” Kasunod nito may lumabas din na akusasyon na gumamit umano si Rabiya ng makeup artist na bawal umano sa Miss Universe PH at ibinigay din daw sa kanya ng advance ang tanong para sa question and answer portion during the pageant. Naging usap-usapan lalo nang hindi sumipot ang Miss Universe PH second runner-up na si Michelle Gumabao sa ginanap na viewing party last Sunday dahil umalis daw ito ng maaga after ma-announce na ang mga nanalo. Sa kanyang statement na nakapost sa Instagram ng Aces and Queens. Sinabi niya kaya raw niyang i-handle ang pagkatalo pero ang hindi niya kaya ay ang mga tanong ng mga tao ng kung bakit. Ibinigay daw niya ng todo ang performanc­e sa pageant at wala raw siyang regrets. Samantala sa interview na lumabas sa Chika Minute ng 24 Oras ng GMA-7 nagpahayag si Rabiya sa mga issue na binabato sa kanya. Ani Rabiya “As much as I want people to love me hindi naman kasi lahat you know magugustuh­an ako. And that doesn’t mean make me less of a queen. So ngayon it’s a test of character and it’s you know a test of fit. Pero alam ko kasi na I played the game right and fair.” Lingid sa kaalaman ng iba kaya rin sumali si Rabiya sa Miss U PH ay dahil ito ang isa sa paraan niya para magkita sila ng kanyang biological father na isang Indian. Sa kanyang long-time boyfriend nagpapasal­amat naman si Rabiya dahil napakamaun­awain daw nito lalo’t ngayon magiging hectic na ang kanyang schedule para sa paghahanda sa darating na Ms. Universe 2020. Yun na!

 ??  ??
 ??  ?? Rabiya
Rabiya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines