Balita

Tekla at livein partner nagkaayos na

- Ni DANTE A. LAGANA

SA wakas natuldukan na ang kontrobers­iyal na gulong kinasangku­tan ng Kapuso comedian na si Tekla at ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Sa Youtube channel ni

Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action naka-post ang video ng pahayag ni Michelle habang kausap ang Idol ng Masa na kuha sa Wanted sa Radyo. Aniya,

“Sir puwede po ba akong magsalita naman po? Eto po Sir good afternoon po. Ito na po ang huli kong pagsasalit­a sir para matapos na rin po ito. Kasi sobrang dami na pong banta at bashers. Una po sa lahat nagkausap na po kami ni Tekla para sa bata na lang. Kasi po ayoko naman sa paglaki ng anak ko malaman niya po anong nangyari sa tatay niya. Kaya po nagkaayos na po kami ni Tekla sir. Naghiwalay po kami ng maayos.” Good ang mabilis na sambit ni Raffy Tulfo sa ipinahayag ni Michelle sa pagkakaayo­s nila ni Tekla. Ito raw ay isang isang good news at yung naman ang gusto ni Raffy. Tinanong ni Raffy si Michelle kung sino ang unang nag-reach out. “Yung kapatid ko po ang kumontak kay Tekla at saka doon po sa manager,” tugon ni Michelle. Eventually nagkita nga raw sila ni Tekla at nag-usap na magkakaayo­s ngunit gusto raw ni Tekla na wala na sa poder nila ang mga kamaganak ni Michelle. Hindi pumayag ang huli kaya ang napag-usapan na lang nila ay para sa kapakanan na lang ng anak nila. Nagkaroon daw ng kasulatan na gawa ng manager ni Tekla na susuportah­an na lang ng komedyante ang kanilang anak na pinirmahan nilang dalawa at ipapanotar­yo. Pero giit ni Raffy magpagawa raw ng kasulatan na specific ang ibibigay na suporta sa anak nila ni Michelle at dapat daw gawa ng abogado ni Tekla at saka ipanotaryo. Bagamat nagkaaregl­o na itutuloy pa rin daw ni Michelle ang Lie Detector at Hair Drug Testing para ipamukha sa mga bashers niya ang tuluyan niyang pagbabagon­g buhay. Yun na!

 ??  ??
 ??  ?? Tekla at Michelle
Tekla at Michelle

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines