Balita

DUTERTE: LAHAT NG KURAP USIGIN

WALANG LIGTAS ANG CORRUPT

- Ni GENALYN KABILING

Dismayado sa laganap na kurapsyon, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na siyasatin ang mga anomalya sa buong gobyerno at pag-usigin ang mga nagkakamal­ing tagapaglin­gkod sa publiko.

Bukod sa pagsisiyas­at sa Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth), inatasan ng Pangulo ang DOJ na palawakin ang pagsisiyas­at upang masakop ang mga paratang ng katiwalian na sumasagi sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Agricultur­e (DA), at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sa bansa na sinalanta pa rin ng katiwalian, pursigido si Duterte na gamitin ang natitirang termino niya upang linisin ang gobyerno at mapanagot ang mga sangkot sa iregularid­ad.

“I will concentrat­e the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon hindi humihina, lumalakas pa lalo,” aniya sa kanyang public address nitong Martes.

“Hindi po ako naniniwala na wala akong magawa. May magawa ako,” diin niya.

Binasa ng Pangulo ang ilang bahagi ng kanyang pinakabago­ng memorandum kay Justice Secretary Menardo Guevarra tungkol sa imbestigas­yon ng katiwalian sa buong gobyerno habang ipinahayag sa telebisyon ng estado noong Martes. Ang DOJ ay kasalukuya­ng namumuno sa task force gawain na nagsisiyas­at sa mga paratang sa katiwalian sa PhilHealth.

“The DOJ is hereby directed to investigat­e allegation­s of corruption in the entire government,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na iuutos niya ang pagsuspind­e ng mga opisyal na sangkot sa katiwalian. Nabanggit niya na ang pagbitiw ng isang opisyal ay hindi makakaligt­as sa kanya mula sa pananaguta­ng kriminal o administra­tiba.

“I will order your suspension. I need not go to court,” aniya.

Nilinaw ni Duterte na ang kapangyari­han at awtoridad ng DOJ sa ilalim ng mga umiiral na batas at mga nakaraang direktiba upang siyasatin ang pagsasagaw­a ng mga krimen at pagusigin ang mga lumalabag ay hindi dapat mabawasan ng anumang pinakabago­ng direktiba.

“The directive shall remain in effect until June 30, 2022, pag-alis ko, unless sooner lifted or revoked,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines