Balita

Babae, timbog sa pekeng sangla

- Light Nolasco

Arestado ang isang babae na itinuturin­g na most wanted ng isang bahay sanglaan matapos magsangla ng pekeng gintong hikaw sa Jaen, Nueva Ecija nitong Sabado.

Ayon kay PMaj. Baltazar Corpuz, Jaen police chief, nasakote si “alyas Nina’ dakong 1:00 ng hapon nang magsangla sa halagang P13,123 ng pekeng hikaw sa Palawan Pawnshop Branch dito.

Lumabas sa imbestigas­yon na matagal nang pinaghahan­ap ang suspek na nagsanla din ng mga pekeng alahas sa mga sangay ng Palawan Pawnshop sa Tarlac, Guagua, Pampanga, Batasan Hills, Quezon City at Candelaria, Quezon, ayon sa ulat kay NEPPO P/Col. Marvin Jose C. Saro, police director.

Umabot sa P90,923.00 ang mga pekeng alahas na naisangla ng suspek, gamit ang pekeng pangalan at ID.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines