Balita

COVID-19 cases sa Cagayan, 659 na

- Liezle Basa Inigo

Nagpositib­o sa coronaviru­s disease COVID-19 ang tatlong opisyal ng pulisya at isang senior citizen sa lalawigan ng Cagayan, ayon sa ulat ng Provincial Health Office nitong Oktubre 26, 2020.

Dahil dito, umakyat na sa 659 ang kumpirmado­ng kaso ng sakit sa Cagayan, 532 ang recoveries, at 121 ang aktibong kaso. Ang Tuguegarao City ang pinakaapek­tado na may 58 kaso. Sumunod dito ang Enrile (26), Solana (9), Tuao (6), Peñablanca (5), Baggao (4), Amulung (3), tig-dalawang (2) kaso sa Piat, Lasam at Lal-lo. Isang (1) positibo sa bawat bayan ng Sto. Niño, Gonzaga, Gattaran, at Alcala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines