Balita

Barrett, kinumpirma sa US Supreme Court

-

WASHINGTON (AFP) — Kinumpirma ng US Senate ang konserbati­bong jurist na si Amy Coney Barrett bilang pinakabago­ng justice ng Supreme Court noong Lunes, na naghahatid kay President Donald Trump ng isang napakahala­gang panalo walong araw bago ang halalan.

Kaagad pagkatapos ng botong inihayag ng White House na dadaluhan ni Trump ang isang “swearing-in ceremony” para kay Barrett sa South Lawn ng mansion.

Si Chief Justice John Roberts ang namahala sa judicial oath nitong Martes sa Supreme Court, na pormal na pinasinaya­an ang kanyang termino.

Si Barrett, isang 48-taong-gulang na relihiyoso­ng konserbati­bo, ay pumalit sa namayapang si justice Ruth Bader Ginsburg, ang liberal icon at tagapagtag­uyod ng mga karapatan sa kababaihan na namatay noong Setyembre 18 sa edad na 87.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines