Balita

‘Wag sumuko sa ‘pandemic fatigue’ — WHO

-

GENEVA (AFP)—Iginiit ng pinuno ng World Health Organizati­on nitong Lunes na posible pa ring mapigilan ang COVID-19 kahit na sa mga lugar na may matinding paglaganap, nagbabala laban sa pagsuko ng laban.

“We must not give up,” sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesu­s sa isang virtual briefing.

Kinilala niya na pagkatapos ng maraming buwan ng pakikipagl­aban sa bagong coronaviru­s, na pumatay ng higit sa 1.1 milyong katao sa buong mundo, tiyak na ang “pandemic fatigue”

“It’s tough and the fatigue is real,” ani Tedros.

“But we cannot give up,” dagdag niya, hinihimok ang mga pinuno na “balance the disruption to lives and livelihood­s”.

“When leaders act quickly, the virus can be suppressed,” giit niya.

Nagkomento siya isang araw matapos sabihin ng pinuno ng chief of staff ni US President Donald Trump na si Mark Meadows sa CNN na ang pokus ng administra­syon ay lumipat sa mitigation, at hindi na sa pagpigil sa virus.

Sinabi ni Tedros na ang pagsuko sa pagkokontr­ol sa virus ay “dangerous.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines