Balita

Suka ni Vina, na-isyu

- Ni NITZ MIRALLES

MAY isyu ang ibenebenta­ng suka ni Vina Morales na isa sa mga produkto ng kanyang Inday Beena’s Best online business.

Sabi ni Vina, “I love to do business po small or medium, masipag po ako. Pasensya na hindi na pwede ilagay ang “Pinakurat” word sa business... Let’s change po sabi ni atty. Lucille, “Sukang Binisaya” na lang, let’s use that po sa lahat na hindi puwede mag-mention ng Pinakurat sa business nila po... ayaw ko ng issue. Maliit na bagay lang po ang Pinakurat. Basta INDAY BEENA’s BEST po tayo. Salamat po.”

Bawal daw gamitin ang pinakurat at may nauna nang may-ari, nasita si Vina o nagsumbong ang unang nagparehis­tro ng “Pinakurat,” kaya hindi na puwedeng gamitin. Hindi lang naman si Vina ang pinagbawal­ang gumamit sa pinakurat dahil pati ang ibang nag-attempt na gamiting sa kanilang negosyo ang “Pinakurat.” Anyway, hindi lang suka ang ibenebenta ni Vina dahil may Gourmet Tuyo (spicy at original), Gourmet Bagoong, Peanut Butter at Dried Fish.

Pinost ni Vina ang sample product ng suka at wala na nga ang salitang “Pinakurat,” nilagyan na ng takip at sabi ni Vina, magpapa-print siya ng bagong product label ng “Sukang Binisaya.”

 ??  ?? Vina
Vina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines