Balita

Hiritan ng Beermen at Bolts

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(AUF Gym-Angeles City,Pampanga) 4:00 n.h. -- Magnolia vs Blackwater 6:45 n.g. -- Meralco vs San Miguel

UNAHAN sa pagtala ng ikatlong sunod na panalo para makasalo sa Phoenix sa ika-apat na puwesto ang tatangkain ng magkatungg­aling Meralco at San Miguel Beer sa tampok na laro ngayon sa pagpapatul­oy ng 2020 PBA Philippine Cup restart sa Pampanga.

Ganap na 6:45 ng gabi ang salpukan ng Bolts at ng Beermen pagkatapos ng unang tapatan sa pagitan ng Magnolia at Blackwater ganap na 4:00 ng hapon sa Angeles University Foundation Gym.

Tinalo ng Beermen ang Alaska Aces nitong Sabado, 92-88 para sa una nilang back-to-back win sa loob ng bubble na nag-angat sa kanila sa markang 3-2 karta.

Nauna rito, kinumpleto din ng Bolts ang dalawang sunod na panalo nitong Biyernes matapos pataubin ang NLEX, 101-92 upang umangat sa likuran ng Fuel Masters na nagsosolo sa 4th spot hawak ang barahang 4-2.

Sa unang laban, manatili at tumatag sa kinalalagy­ang top 8 ang hangad ng Blackwater (2-3) sa pagsagupa nito sa Magnolia (2-4) para palakasin ang tsansang umabot ng playoff.

Tatangkain ng Elite na bumangon sa kinasadlak­ang dalawang dikit na kabiguan sa kamay ng Alaska at TNT habang siaikapin naman ng Hotshots ma madugtunga­n ang naitalang panalo kontra sa dating undefeated na Barangay Ginebra sa nakaraang Bubble Classico noong Lunes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines