Balita

‘Rolly’ papasok sa PAR

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Isa na namang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibi­lity ngayong araw.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,960 kilometro Silangan ng Central Luzon, kahapon.

Napanatili nito ang lakasna 55 kilometro kada oras at bugsong hanggang 70 kilometro kada oras habang magabal na kumikilos pa-Kanluran-Hilagang Kanluran o nasa labas pa ng Pilipinas.

Kapag tuluyan na itong pumasok sa bansa, papangalan­an itong ‘Rolly’ na inaasahang kikilos pa-Kanluran sa Sabado patungong Bicol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines