Balita

Dayuhan, itinumba sa Pasay

- Bella Gamotea

Masusing iniimbesti­gahan ng Pasay City Police ang motibo sa pagpaslang sa isang binatang Cameroonia­n sa nasabing lungsod, nitong Martes ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na Divine Njua Komfun, 47, at nanunuluya­n sa Unit A, Villa Vista Condominiu­m, Bgy. Santo Niño, Parañaque City, na kaagad na binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Kaagad namang tumakas ang hindi nakikilala­ng suspek na nakasuot ng jacket, pantalon at face mask.

Sa inisyal na imbestigas­yon nina SSgt. Jimmy Rufo, Cpl. Alfred Pangilinan at Pat Jerald Dahilig, ng Station Investigat­ion Detective and Management Branch (ŠIDMB), ang insidente ay naganap sa harap ng isang convenienc­e store sa Arnaiz St., at Roxas Boulevard, Service Road, Bgy.13, Zone 4, dakong 12:15 ng madaling araw.

Naglalakad lamang ang dayuhan sa nasabing lugar nang biglang barilin ng suspek.

Patuloy ang isinasagaw­ang pagsisiyas­at ng pulisya sa kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines