Balita

Pagpasok ng 4-M Intsik sa PH, pinasisili­p

- Leonel Abasola

Nais ni Senador Francis Pangilinan na imbestigah­an ang papasok ng mahigit sa apat na milyong Chinese sa bansa mula pa noong 2017 na posibleng magkaroon ng problema sa ating pambansang seguridad.

“Given the lenient requiremen­ts for foreign national retirees and the seemingly unchecked entry of some 4 million Chinese into the country, there is a need to look into whether this is an orchestrat­ed ‘soft invasion’ of our country,” aniya.

Nakakabaha­la aniya ito, lalo na pa’t may usapin pa sa West Philippine Sea, (WPS).

Sa pagdinig ng Senado, lumabas na nagpalabas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng 2017 Department of Justice Order 41 na maaring makapasok ang mga Intsik sa bansa, hindi sa pamamagita­n ng mga visa inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA), at ang kakatigan ay ang by BI-issued visas-upon-arrival (VUA).

Sa nasabing bilang aniya, nasa 150,000 Chinese ang nakapasok sa bansa sa pamamagita­n ng VUA.

Inilarawan din ni Pangilinan na ito ay isang uri ng “soft invasion” na matagal ng taktika ng China para makapasok sa mga karatig-bansa na may mga utang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines