Balita

5 ‘tulak’, timbog sa Cabanatuan

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Lima na namang pinaghihin­alaang drug pusher ang nalambat ng pulisya sa magkakahiw­alay na operasyon sa Barangay Imelda at Bgy. San Isidro sa nabanggit na lungsod, nitong Martes ng hapon.

Sa police report, nakilala ang mga suspek na sina Reynaldo Malubay, 58, Ruel Malubay, 36, Carlo Caparaz, 29, Ramon Caparaz, 52, karpintero, pawang taga-Bgy. Imelda; at Susan Arce, 36, alias “Jackson”, taga-Purok 6, Bgy. San Isidro, Cabanatuan City.

Ayon kay Maj. Geffrey Alivia, hindi na nakapalag ng mga suspek nang dakin ang mga ito sa buy-bust operation, dakong 4:15 ng hapon.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines