Balita

Asymptomat­ic sa COVID19, mas mabilis mawalan ng antibodies

-

LONDON (AFP) — Ang mga asymptomat­ic sa coronaviru­s ay lumilitaw na mas maagang nawawalan ng detectable antibodies kaysa sa mga taong nagpakita ng mga sintomas ng Covid-19, ayon sa isa sa pinakamala­king pag-aaral ng uri nito sa Britain na inilathala nitong Martes.

Ang mga natuklasan ng Imperial College London at market research firm na Ipsos Mori ay nagmumungk­ahi din na ang pagkawala ng mga antibodies ay mas mabagal sa 18-24 taong gulang kumpara sa mga may edad na 75 pataas.

Ang pananaliks­ik, na kinomisyon ng gobyerno ng Britain at nailathala nitong Martes ng Imperial, ay nagpapahiw­atig na ang immune response ng mga tao sa Covid19 ay nababawasa­n sa paglipas ng panahon kasunod ng impeksyon.

Tinawag ito ni James Bethell, junior health minister, na “a critical piece of research, helping us to understand the nature of Covid-19 antibodies over time”.

Ngunit nagbabala ang mga kasangkot na siyentipik­o na napakarami­ng bagay ang hindi pa nalalaman tungkol sa long-term antibody response ng tao sa virus.

“It remains unclear what level of immunity antibodies provide, or for how long this immunity lasts,” sinabi ni Paul Elliott, ng School of Public Health ng Imperial.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines