Balita

12,000 pulis nakabantay sa sementeryo, kolumbaryo

- Jeffrey Damicog Fer Taboy at Bella Gamotea

May 12,000 pulis ang ipinakalat na sa mga sementeryo at kolumbaryo para sa paggunita ng All Souls at All Saints Day.

Ayon kay Joint Task Force(JTF) COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mahigpit na pakatututu­kan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatup­ad ng minimum health protocols sa mga sementeryo sa buong bansa.

Sinabi ni Eleazar na makakatuwa­ng ng pulisya ang 17,000 force multiplier­s sa pagtitiyak na hindi magsisiksi­kan ang mga tao sa mga sementeryo.

Batay sa inilabas na panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (AITF), 30 porsyento lamang ng kabuuang kapasidad ng mga sementeryo at mga kolumbaryo ang papayagan sa loob para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Kaugnay nito, tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major General Debold Sinas na handa na ang mga pulis sa Metro Manila sa pagbibigay ng seguridad at kaligtasan para sa Undas 2020.

Babantayan ng NCRPO ang kabuuang 113 sementeryo sa buong Metro Manila na may 777 pulis na ipinakalat sa mga ito.

Simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 isasara na sa publiko ang mga mga sementeryo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines