Balita

Values formation vs katiwalian, kailangan ng bayan —DOJ

-

Naniniwala si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na kailangan ng “values formation” at turuan ang publiko na ang katiwalian ay mali kung inaasahan ng gobyerno na mabawasan ang mga masasamang gawain.

Sinabi ni Guevarra nitong Miyerkules na ang task force na pinamunuan ng DOJ na nagsisiyas­at ng katiwalian sa gobyerno ay nakatakda ring magsagawa ng kampanya sa pagiwas sa katiwalian kabilang ang isang public informatio­n drive.

“Isa sa objectives ng aming task force ay hindi lamang para maimbestig­ahan at makasuhan yung mga taong involved sa mga ganitong activities. Isa pa sa aming primary objectives ay yung prevention ng corruption,” sinabi niya sa panayam sa radyo DZBB.

“Isa dyan sa part ng campaign na yan ay values formation na kung pupwedeng magamit namin ang partnershi­p with the public sector, with the media,” dagdag niya.

Sinabi ng kalihim na kailangang turuan ang sambayanan tungkol sa katiwalian.

“Kasi kailangan din natin i-educate yung mga tao. Kailangan ipakita natin sa kanila na hindi tama yang ganyang mga corrupt activities dahil tayo nawawalan ng public funds na dapat na magamit sa mabuting kapakanan ng bayan,” ani Guevarra.

“Sa halip na mapunta sa mga government projects, mga infrastruc­ture, medical facilities, ay naibubulsa lang,” dugtong niya.

Naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng memorandum kay Guevarra upang palawakin ang papel na ginagampan­an ng task force na nag-imbestiga sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth) upang siyasatin ang katiwalian sa buong gobyerno.

Bukod sa DOJ, ang task force ay binubuo ng National Bureau of Investigat­ion (NBI), Office of the Special Assistant to the President (OSAP), Presidenti­al Anti-Corruption Commission (PACC), National Prosecutio­n Service (NPS), DOJ-Office of Cybercrime (OOC), at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines