Balita

Quinta, binayo at hinagupit ang PH

- Bert de Guzman

BINAYO, hinagupit at sinagasaan ng Bagyong Quinta ang maraming lugar sa bansa nitong Oktubre 25, lalo na ang bahaging timog ng Luzon, kabilang ang Metro Manila. Libulibong taong mula sa kanayunan (villagers) ang nagsilikas sanhi ng pagbaha sa maraming baryo at bayan.

Habang sinusulat ko ito, hindi pa kumpleto ang talaan ng mga namatay, nasaktan o nawawala dahil sa pananalasa ng bagyo na ang hangin ay nasa 125 kilomentro bawat oras at bugso na 150kph.

Sa pangunang ulat, may 25,000 taga-baryo ang na-displace, may 20,000 ang nagkanlong sa mga paaralan at gusali ng pamahalaan na naging evacuation centers. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), ang ilan sa mga residente ay nagsibalik sa kanilang mga tahanan sa mga rehiyon na bumuti na ang lagay ng panahon.

Ang Bagyong Quinta ang ika17 bagyo na tumama sa Pilipinas sa taong ito kasunod ng Tropical Storm Pepito na nagdulot din ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Quezon sa Calabarzon. Sa inisyal na report, sinasabing ang flashflood­s ay puminsala ng may P60 milyong halaga ng mga pananim sa northern province ng Cagayan. May 1,600 pamilya ang na-displaced o napinsala ang mga bahay.

Inaasahan ang posibleng pagdami ng bilang ng mga biktima at halaga ng mga pinsala sa ari-arian, pananim, gusali at pagawaing-bayan kapag natanggap na ang lahat ng ulat mula sa mga lugar na tinamaan ng bagsik ni Quinta.

Galit na galit si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa kurapsiyon. Muling ipinamalas niya ang galit bunsod ng napabalita­ng laganap na kurapsiyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ibinunyag ng Presidenti­al AntiCorrup­tion Commission (PACC) na may ilang tiwaling kongresist­a ang nakikialam sa implementa­syon ng mga pagawaing-bayan sa DPWH na pinamumunu­an ni Sec. Mark Villar. Nilinis niya si Villar sa pagsasabin­g mayaman na ito at hindi nagagawa ng katiwalian. Ang kurapsiyon umano ay nagaganap sa ibang bahagi ng departamen­to.

Umaasa ang taumbayan na sana’y malantad ang mga lintek na mambabatas na walang kasawa-sawa sa pagsalakay sa kabang-yaman ng bansa. Hindi pa rin sila masiyahan sa pork barrel na umano’y isinisingi­t nila sa pambansang budget. Ang national budget para sa 2021 ay P4.5 trilyon.

Ayon kay PACC commission­er Greco Belgica, kinukumple­to nila ang listahan ng pangalan ng timawa at ganid na mga mambabatas na umano’y sangkot sa DPWH anomaly. Ayon sa kanya, isusumite nila ang kanilang report sa Pangulo upang mismong si PRRD ang maghayag sa publiko kung sinu-sino ang mga lokong kongresist­a.

Nagtatanon­g ang mga mamamayan kung ilalantad ito ng Pangulo, tulad ng paghahayag niya sa publiko ng mga bulok na opisyal ng PNP, AFP at mga tanggapan ng gobyerno, na umano’y sangkot sa katiwalian. Papaano kung ang mga sangkot na mambabatas ay kaalyado pala ng Punong Ehekutibo? Di ba sabi niya noon ay “Just a whiff of corruption,” lagot kayo sa akin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines