Balita

Maine, campaign ambassadre­ss laban sa polio

- Ni NORA V. CALDERON

TINANGGAP agad ni phenomenal star Maine Mendoza na maging ambassadre­ss ng Rotary Club sa kanilang kampanya laban sa polio ang #EndPolioNo­w. Hindi naman naging mahirap kumbinsihi­n si Maine dahil may mga pamangkin siyang mga bata pa at parehong Rotarians ng Bulacan, ang mga magulang niya.

Isa pa, naniniwala si Maine na walang sinumang bata na dapat mahirapan sa sakit dahil sa polio. Hindi naman problema ito basta sa batang edad lamang, bago magfive years old ang isang bata, ay mabakunaha­n na siya.

Sa campaign na ito, nakahanay na ni Maine ang iba pang ambassador­s, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin.

Kasamang ambassador ni Maine sa Pilipinas si Senator Manny Pacquiao, at si South Korean singer na si Psy, action star Jackie Chan, Canadian actor Donald Sutherland at iba pa.

 ??  ?? Maine
Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines