Balita

Tuloy na ang laban nina Sheryl at Sunshine

- Nora V. Calderon

TIYAK na ikatutuwa na ng mga netizens na sumusubayb­ay sa GMA Afternoon Prime drama series, ang Magkaagaw, dahil nalalapit na ang muling pagbabalik ng serye sa telebisyon. Ang drama series ay pinangungu­nahan nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales at Klea Pineda.

Natigil ang production ng series noong March, 2020, dahil sa COVID-19 pandemic, na pasabog na sana ang mga eksena, dahil nalaman na nina Clarisse (Klea) at Laura (Sunshine), na si Veron (Sheryl) ang mistress ni Jio (Jeric). Kaya sabi ng mga netizens, nabitin sila dahil excited na silang malaman kung kaya pang ipagtanggo­l ni Jeric ang sarili niya laban sa asawang si Clarisse at sa mother-in-law niyang si Laura. Paano rin ipagtatang­gol ni Veron ang sarili laban sa mag-ina.

Noong Monday, ipinakita na ng production ang paghahanda ng cast, nagkaroon sila ng script reading para sa pagpapatul­oy ng story. At kasunod na nito ang pagsunod nila sa health protocols ng Department of Health (DoH) at InterAgenc­y Task Force (IATF) na requiremen­ts para matuloy na ang kanilang lock-in taping.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines