BAGYONG PAPASOK, MALAKAS

Balita - - Pangunahin­g Pahina - Ni ELLALYN V. RUIZ

Posibleng pumasok sa bansa ang isang bagyo at inaasahang hahagupit sa Bicol region.

Ito ang pahayag ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) kahapon kasunod nang namataang namumuong bagyo na nasa labas pa ng Philippine area of responsibi­lity (PAR).

Ang nasabing sama ng panahon na may internatio­nal name na ‘Goni’ ay may taglay na hanging 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 115 kph.

Kahapon ng umaga, ito ay nasa layong 1,545 kilometro Silangan ng Central Luzon at maaari pumasok sa PAR sa loob ng 24 oras mula kahapon.

Kapag tuluyan nang pumasok sa Pilipinas, tatawagin itong ‘Rolly’.

Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, malaki

Ang posibilida­d na tatahak ito pa-Bicol kapag nasa loob na ito ng PAR.

Kahapon, kumikilos aniya ang bagyo pa-kanluran at inaasahang gagalaw ito pa-Timog Kanluran ngayong araw hangang bukas.

Sa inaasahang pagpasok nito kagabi, tatahak muna ito pa-Quezon-Aurora.

Nagbabala rin si Ordinario sa posibleng malakas na pagtama nito sa kalupaan dahil patuloy itong nagiipon ng lakas sa loob ng 24 oras.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.