SoKor expres., isinelda

Balita - - Pangunahin­g Pahina -

SEOUL (AFP) - Ang dating pangulo ng South Korea na si Lee Myung-bak ay iniutos na ibalik sa kulungan nitong Huwebes matapos pagtibayin ng Supreme Court ng bansa ang 17 taong pagkakakul­ong para sa bribery at pandarambo­ng.

Ang konserbati­bong si Lee, na nagsilbing pangulo mula 2008 hanggang 2013, ay nakapiyans­a habang naghihinta­y sa pagpapasya at wala sa korte sa nang ibaba ang desisyon, ngunit nakita ang pulisya sa kanyang tahanan sa Seoul upang kunin siya, ayon sa mga ulat.

Ang desisyon ay hindi maaaring iapela at sa edad na 78 ay nangangahu­lugang si Lee ay maaaring mamatay sa bilangguan maliban kung tumanggap siya ng presidenti­al pardon.

Ang lahat ng apat na nabubuhay na mga dating pangulo ng South Korea ay nasa kulungan o nakulong - madalas na resulta ng pagsisiyas­at na nagsimula sa ilalim ng mga kahalili na karibal sa politika.

Si Lee ay unang napatunaya­ng nagkasala ng pandaraya at tumatangga­p ng suhol sa huling bahagi ng 2018 at nakakulong. Kalaunan ay dinahdagan ng isang appeals court ang kanyang parusa sa 17 taon ngunit binigyan siya ng piyansa habang nakabinbin ang isang karagdagan­g apela sa pinakamata­as na hukuman ng bansa.

AFP

SI dating South Korean president Lee Myungbak ay magsisilbi ng 17-taon sa kulungan sa bribery at embezzleme­nt.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.