Kidnapper, arestado sa Zamboanga

Balita - - News - Fer Taboy

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang pinaghihin­alaang kidnapper na dumukot sa isang Filipino-American farmer sa Barangay Arena Blanco, Zamboanga City, kamakailan.

Under custody na ng pulisya ang suspek na si Anerson Manabahi Tungayao, taga-Bgy. Tapanayan, Sirawai, Zambonga de Norte.

Dinampot si Manabahi sa hideout nito sa Bgy. Arena Blanco, Zamboanga City, nitong Miyerkules ng hapon.

Si Manabahi ang itinuturon­g dumukot kay Rex Triplitt nitong Setyembre 16 gayunman, nailigtas ito sa isang operasyon nitong Setyembre 30.

Inihayag naman ni PNP-AKG director Brig. Gen. Jonel Estomo, isinagawa ng mga tauhan nito ang operasyon sa pakikipagt­ulungan Police Regional Office-9 Intelligen­ce Division at Zamboanga City Police Office.

Narekober sa suspek ang isang M16 Armalite rifle.

Nahaharap ang suspek sa kasong kriminal, ayon pa sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.