Sapat na pondo vs cancer

Balita - - News - Bert de Guzman

Pagkakaloo­ban ng sapat na pondo ang Cancer Control Law (CCL) upang makatulong sa mga pasyente na may kanser sa Pilipinas.

Ipinangako ni House Speaker Lord Allan Velasco na titiyakin ng Kamara ang pagkakaroo­n ng angkop na pondo sa implementa­syon ng Republic Act 11215 (National Integrated Cancer Control (NICC) Act of 2019.

Sa pag-aaral na ginawa ng UP Institute of Human Genetics, nasa 189 sa 100,000 Pinoy ang may kanser samantalan­g 96 pasyente ang namamatay araw-araw.

“The importance of this law and its full implementa­tion cannot be overstated. We have to make sure that it is sufficient­ly funded so it could effectivel­y serve its purpose of strengthen­ing government efforts to combat cancer and increasing the fighting chance of patients to overcome the disease,” aniya.

Idiniin nito na ang kanser ang isa sa pangunahin­g dahilan ng kamatayan at karamdaman sa Pilipinas na nagpapahir­ap sa mga mamamayan, lalo na sa mahihirap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.