Laborer, nahulog sa ilog, patay

Balita - - News - Danny Estacio

SAN PEDRO CITY, Laguna – Isang constructi­on worker ang nalunod makaraang madulas at Mahulog sa San Vicente river sa Barangay San Vicente sa nasabing lungsod, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Junar Mateo, 40, stay-in worker, at taga- Bgy. Rizal, Santiago City, Isabela.

Sa paunang ulat, katatapos lamang maghapunan ni Mateo at lumabas ng kanilang barracks upang magpalipas ng oras.

Matapos ang ilang saglit ay nadulas umano si Mateo habang naglalakad at dumiretso sa ilog na sanhi ng ikinamatay nito.

Patuloy pang sinisiyasa­t ng mga awtoridad ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.