8 sundalo, kinapitan ng COVID-19

Balita - - News - Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija – Walong miyembro ng 84th Infantry Battalion ng Philippine Army na naka-base sa Camp Kapitan Berong, Barangay Cavite ang iniulat na tinamaan ng coronaviru­s disease 2019.

Ito ang inihayag ng Department of Health-Nueva Ecija kahapon.

Ayon sa DOH, ang walong sundalo ay kabilang sa 10 active cases at ang dalawa pang nahawaan ng virus ay pawang taga-Bgy. Maturanoc sa nasabing bayan.

Dahil dito, iniutos kaagad ng municipal inter-agency task force ang pagsasagaw­a ng contact tracing, disinfecti­on at pagbibigay ng food packs sa mga residenten­g naapektuha­n ng nabanggit na sakit.

Sa kabuuan, may 32 kumpirmado­ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan, kabilang ang 19 gumaling at tatlo naman ang binawian ng buhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.