14,000 NAIA workers, ‘di na tatanggali­n

Balita - - News - Bert de Guzman

Taliwas sa pahayag ng mga kongresist­a na aabot sa 14,000 kawani ang mawawalan ng trabaho dahil sa NAIA rehabilita­tion project, tiniyak ng Megawide Constructi­on Corp. na hindi tatanggali­n ang mga empleado kapag sila ang nag-takeover sa proyekto.

Ayon sa nasabing kumpanya, kukunin nila ang mga manggagawa at kawani kapag nakuha nila ang kontrata para mag-rehabilita­te sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport.

Ganito rin ang kanilang ginawa noon sa Mactan-Cebu Internatio­nal Airport (MCIA).

Nilinaw ng kumpanya, tinugon nila ang claim ni Quezon City Rep. Bong Suntay sa budget hearing sa Kamara, na libu-libong airport workers ang mawawalan ng trabaho sa sandaling magtakeove­r ang kanilang kompanya sa NAIA operations.

Aniya, susundin ng kumpanya ang proseso sa Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) katulad ng kanilang ginawa sa Mactan-Cebu Internatio­nal Airport (MCIAA) sa ilalim ng proposal na ma-rehabilita­te ang NAIA complex.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.