Pagkalat ng COVID-19, napigilan

Balita - - News - Bella Gamotea

Wala nang naitalang kaso ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa isang barangay sa Las Piñas City dahil sa tuluy-tuloy at komprehens­ibong pagtugon ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ng City Health Office matapos maitala ang zero COVID-19 case sa Bgy. Ilaya, nitong Miyerkules.

Sa report ng CHO, nasa kabuuang 106 residente sa nasabing lugar ang kumpirmado­ng nagkasakit, 103 rito ang gumaling na at tatlo naman ang namatay.

Umaasa naman si Mayor Imelda Aguilar sa patuloy na pagbaba ng bilang ng active cases sa lungsod.

Sa datos ng CHO, nitong Oktubre 28, nasa 101 ang active cases sa lungsod, aabot sa 4,553 ang kumpirmado­ng kaso ng COVID, kabilang ang paggaling ng 4,274 pasyente na nakalabas na ng quarantine facilities at ospital at 178 naman ang naitalang namatay sa virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.