Pagkamatay ng endangered vultures, iniimbesti­gahan

Balita - - News -

Naglunsad ang mga awtoridad at conservati­onist ng pagsisiyas­at matapos ang dose-dosenang mga buwitre na critically-endangered ang natagpuang patay mula sa hinihinala­ng pagkalason sa sikat na Makgadikga­di wetlands sa hilagang silangang ng Botswana, sinabi ng isang dalubhasa sa wildlife nitong Miyerkules.

Sinabi ng director ng Bird Life Botswana na si Motsherega­nyi Kootsosits­e na natuklasan ang malungkot na balita noong Oktubre 22.

“At least 55 white-backed vultures were found dead from suspected poisoning,” aniya sa AFP

Ang pagkalason ng buwitre ay hindi na pangkarani­wan sa bansang mayaman sa wildlife.

Isa sa pinakamala­king pagkamatay ng buwitre na naitala sa mga nakaraang taon sa Botswana ay noong Hunyo 2019, nang 537 mga bangkay ang natuklasan sa game reserve sa hilagang ng Chobe matapos silang kumain ng mga bangkay ng tatlong elepante na pinatay ng poachers.

Ang white-backed vulture ay nakalista sa “red list” ng Internatio­nal Union for Conservati­on of Nature’s (IUCN) sa critically-endangered bird species.

Buwitre

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.