Higit na panahon ngayon ng pagsasaman­tala

Balita - - Opinyon - Ric Valmonte

BINALAAN ng Pangulo ang kanyang mga kiritko na huwag siyang iuugnay sa korupsyon. “Huwag kayong lilikha ng gawagawang kasalanan laban sa akin dahil maingat kong iniwasan na ako ay maging korupt,” wika ni Pangulong Duterte bilang bahagi ng kanyang pahayag sa bayan nitong Martes sa Davao City pagkatapos niyang magpakita ng ilang araw sa Malakanyan­g. Ang sinabi niyang ito ay kaugnay sa anunsiyo niyang imbestigah­an ang lahat ng katiwalian sa gobyerno at inatasan niya ang Department of Justice na isagawa ito. Inatasan niya rin si DOJ Sec. Menardo Guevarra na sampahan ng kaso ang lahat ng mga sangkot dito, ke sila ay nasa publiko o pribadong sektor.

Sinabi ko na sa nalalabing panahon ng termino ng Pangulo, lulubha ang korupsyon. Ang pahayag niya nitong Martes ay malinaw na laganap na ang korupsyon sa gobyerno. Pero, nais niyang walang maguugnay sa kanya dito. Hindi naman kailangan pang gawin ito, totoo man o tsismis lang ito. Kahit paano, may pahintulot man siya o wala, lalaganap ang korupsyon at lulubha pa ito. Kasi, hindi naman siya nagwagi na ang kanyang puhunan ay laway lamang. Sa mga kumandidat­o sa panguluhan noong nakaraang presidenti­al elections, siya ang may pinakamala­king pondo. Noong malapit na ang halalan, inakusahan ni dating Senador Antonio Trillanes na may mahigit na P2 bilyon ang pangulo na nakadeposi­to sa bangko. Hinamon ng dating Senador ang Pangulo na magkita sila sa bangko upang maungkat ang nasabing deposito. Subalit hindi sumipot ang Pangulo at ang kanyang ipinadala ay si Salvador Panelo, na ngayon ay kanyang Presidenti­al Legal Adviser. Hindi rin nangyari ang mabulatlat ang deposito ng Pangulo dahil hindi na nga siya sumipot, hindi pa kanyang waiver ang dokumenton­g dala ni Panelo. Hanggang ngayon, bukas pa ang isyung ito. Sa kabila ng pagpupumil­it ng dating Senador na magbigay lang ng waiver ang Pangulo para maungkat ang kanyang deposito at mapatunaya­n niya ang kanyang akusasyon, tumangging magbigay ito. Katunayan nga, nakaupo pa noon si Trillanes nang hamunin niya ang Pangulo na kapag hindi totoo ang kanyang bintang na may tagong malaking salapi ang Pangulo, siya ay magbibitiw.

Ang malaking pondong inuukilkil ni Trillanes ay bahagi ng mga ambag ng mga taong tumulong sa kandidatur­a ng Pangulo. Sila ang nagsugal at tumaya para siya manalo. Ang mga ito ay iyong mga nagtatamas­a ngayon ng biyaya ng gobyerno sa uri ng mga naglalakih­ang kontrata at mga posisyon sa mga ahensiya na may tangan ng mga naglalakih­ang pondo na pwedeng pagkakitaa­n. Sina Rafael Manano na unang hinirang ng Pangulo sa Department of Agrarian Reform, ang pumanaw na Gina Lopez sa Department of Environmen­t and Natural Resources, Liza Masa sa Presidenti­al Poverty Commission ay hindi tulad nina Health Secretary Duque at DPWH Sec. Mark Villar na may salapi na pwedeng iambag. Ginawa lamang ang mga ito na pampabango, subalit nang dibdiban nang gampanan ang kanilang tungkulin para sa kapakanan ng sambayanan at sa proseso, may mga malalaking negosyante ang kanilang nasagasaan, hindi sila nagtagal sa kanilang pwesto.

Hindi lang mga retiradong sundalo at pulis ang nasa gobyerno, kundi nang sila ay aktibong naninilbih­an, may panahon silang inilagi sa Davao. Kaya, alam nila ang SOP doon noon at dito ngayon. Laganap ang kurapsyon dahil ang natitirang araw sa termino ng Pangulo ay panahon na ng pagsasaman­tala at pagbawi ng lahat ng tumulong sa kanya. Maging si Pangulong Duterte, kaya hindi na kailangang may magsabi na maguugnay sa kanya sa koruspyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.