Full-metal face shield ang kailangan

Balita - - Opinyon - Johnny Dayang

BAGO ang pandemya, kinahihili­an ang bansa ng maraming ibang bansa na ang kondisyon ng ekonomiya, sa kabila ng kanilang pagsisikap na mapataas, ay hindi naaabot ang hinahangad nitong pag-unlad.

Maaaring mang ipagdiwang ang balitang ito, ang realidad naman, ay patuloy na tumaas ang graft and corruption sa bansa. Maging ang Pangulo mismo ay umaming bigo siyang malabanan ang mga anomalya. At tama naman siya.

Masusukat ang pag-aming ito sa mga kuwento mula sa ulat ng Commission of Audit (COA). Noong 2019, ilang artikulo na lumabas sa mga diyaryo ang nakababaha­la.

Pansinin ang mga headline mula sa taong iyon: ‘COA report: P254M went to “error-filled” DepEd books’; ‘COA flags DepEd over 113-M undistribu­ted learning materials’; ‘COA flags P500-M worth of tourism department transactio­ns’; ‘Gov’t reforestat­ion program failed to meet 80% of its targets – COA’; at ‘COA: Office for Transporta­tion Security overspent by P101 million.’

Ngayong taon wala pa ring pinagkaiba ang mga balita tungkol sa nasasayang na pondo ng publiko: ‘Northrail spent P232 M for relocation without a single family relocated –COA’; ‘COA flags 184 DPWH projects exceeding approved budget’; ‘COA: P2B worth of medicine and supplies procured by DOH are now expired, near expiry, overstocke­d’; ‘COA: Over P101B worth of DPWH projects delayed, unimplemen­ted’; ‘COA flags DND’s shower heaters, air-conditione­d comfort rooms’; at ‘COA: DPWH lost P1.3B to contractor­s.’

Tumpak ang Ombudsman nang sabihin nitong ang buong larawan ng kurapsyon sa pamahalaan ay naguugat sa pagkawasak ng ugali, isang bagay na pinahintul­utan din niya sa pagsusulon­g ng argumento na sa hindi paglalabas ng mga statements of assets, liabilitie­s, and net worth ng mga pampubliko­ng opisyal walang mapapahiya na pinaghihin­alaang tiwali.

Ang uri ng pandemyang lumaganap sa Estado ngayon ay halos hindi na malulunasa­n, na ang usapin ng tapang sa pamumuno, masamang bibig, pagmumura at pagbabanta ay tinitingna­n na lamang hanggang salita. At sa panahong nahaharap ang bansa sa pagkalubog sa utang, ang laban sa kurapsyon, higit kailanman, ay dapat na kasangkuta­n ng pribadong sektor.

Ang episodyo kamakailan ng mga tao sa immigratio­n, na tumatangga­p ng mga investors sa paliparan na nadamay sa isang P40bilyong ‘pastillas’ scam ay malinaw na nagdidiin sa lalim at lawak ng kurapsyon sa pamahalaan.

Sa pamahalaan, tila kailangan na nating pagsuotin ang mga kurap ng bakal na face mask upang itago ang kanilang mga mukha sa kahihiyan. O gawing mandataryo sa kanila na magsuot ng full-metal face mask upang patatagin pa ang makapal nilang mukha.

Ang tawaging ‘kagalang-galang’ ang mga tiwali ay nagpapalak­as lamang ng imahe ng kasiraang-puri ng mga tao sa pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.