Super Tekla, gustong mabawi ang anak

Balita - - Opinyon - Ni NORA V. CALDERON

MATAPOS lumitaw na ang totoo sa gusot ng live-in partners na sina Super Tekla (Romeo Librada sa tunay na buhay) at Michelle Bana-ag, mas pinanigan ng netizens ang naunan at tumanggap naman ng maaanghang na bashing ang huli.

Kahit si broadcaste­r Raffy Tulfo ng TV5, ay pumanig na kay Super Tekla, nang malaman niya ang totoo, at ngayon ay gusto na niyang tulungan ang comedian na mabawi ang anak nito kay Michelle.

Marami ang pumuri kay Super Tekla nang makiusap pa siya na huwag nang i-bash si Michelle ng netizens dahil mas pinili niyang magpatawad kaysa husgahan ang dating ka-live in. Gusto na nga lamang niyang makuha si Baby Angelo.

Napapanood si Super Tekla every Sunday, sa The Boobay And Super Tekla Show.

Tekla

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.