Gabbi Garcia, sa hosting naman bibida

Balita - - Opinyon - Nitz Miralles

MAIISYU na naman nito si Gabbi Garcia na favorite ng GMA Artist Center at GMA Network dahil may bago na naman siyang show. Kahit sa GMA News TV ang airing ng In Real Life (IRL), bagong show pa rin ito ni Gabbi na napapanood ngayon sa All-Out Sundays.

Anyway, tiyak na maraming millennial­s at Gen Z ang makakarela­te sa bagong show ni Gabbi dahil sa concept nito. Ang IRL ay isang youthorien­ted reality program kung saan, ihahatid ni Gabbi ang latest updates sa iba’t ibang trending topics na “lit” o “exciting” para sa mga kabataan lalo na ngayong digital age.

Bagay na bagay kay Gabbi ang IRL dahil bukod sa husay niya sa hosting, isa siya sa mga artista ngayon na malakas ang online presence. Kaya tiyak na nakaabang ang fans nina sa IRL na malapit nang mapanood sa GMA News TV.

Gabbi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.