Balita

4 CHINESE, 2 PINOY TIKLO SA KIDNAPPING

- Ni JEFFREY DAMICOG

Dinakma ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang apat na Chinese at dalawang Pinoy kaugnay ng pagdukot at pagkulong sa mga Intsik na naka-utang sa mga ito, sa Las Piñas City, kamakailan.

Ang anim ay kinilala ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor na sina Jiang Zhi Chao, Han Yong, Shi Qi, Zhao Jian Wei,

Christophe­r Belarmino at Darnel Volante.

Ipinahayag ni Distor, ang mga suspek ay naaresto ng Counter Terrorism Division ng NBI sa isang operasyon sa isang bahay sa Bgy.

Talon Dos sa nasabing lungsod, nitong Oktubre 27.

Sa nasabing operasyon, nailigtas ng NBI ang isang Chinese na nagsabing ikinulong siya ng mga suspek mula pa nitong Oktubre 20.

Paliwanag ni Distor, isinagawa ang operasyon matapos makatangga­p ng reklamo ng isa ring Chinese na dinukot din ng mga ito. Gayunman, pinakawala­n ito nang magbigay ng ransom sa anim na suspek.

Sa salaysay naman ng naiigtas na Intsik, nagtatraba­ho umano ito sa isang online gambling company sa isang mall sa lungsod.

Nang kukunin na umano nito ang kanyang pasaporte upang makabalik na sa China ay tumanggi umano sina Oang Zi at Liang Zi at sa halip ay humihingi sila ng P240,000 bilang kapalit nito.

Aniya, hindi siya sinasahura­n nang tama kaya ito nagpasyang umuwi sa kanilang bansa.

Nang mabigong magbayad, iginapos umano sa kotse ang biktima at binugbog bago dinala sa nasabing bahay sa Talon Dos kung saan ikinulong.

Nasamsam sa mga suspek ang isang Taurus .40 cal. pistol, isang Glock 22 na baril, isang paris ng posas at iba’t ibang ID ay papeles.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines