Balita

Mabilis na biyahe ng MRT-3, tiniyak

-

Walang pandemya at sama ng panahon ang makapipigi­l sa layunin ng Department of Transporta­tion (DOTr) at (Metro Rail Transit (MRT)-3, sa pamumuno ni Secretary Arthur Tugade, na bigyan ng mas mabilis, maayos at kumportabl­eng biyahe ang ating kababayan.

Kahapon, isinagawa ang simulation run para sa general overhauled light rail vehicles (LRVs) o bagon ng MRT-3, na binubuo ng isang train set na may 3 bagon, upang masigurong ligtas ang mga ito para sa revenue operations.

Kapag nasigurong safe na gamitin ang mga ito, maidadagda­g ang mga ito sa operationa­l trains na dine-deploy sa mainline.

Bukod dito, nagsagawa rin ng simulation run para sa MRT-3 trains upang subukan ang bilis na 50 kilometer per hour (kph) ng mga tren.

Ito ay bilang paghahanda sa pagtaas ng speed ng mga tren na 50 kph sa susunod na buwan.

Matatandaa­ng simula nitong Oktubre 1, pinabilis ang takbo ng mga tren sa 40kph mula sa dating 30kph, matapos ang konstruksy­on ng mga bagong riles sa lahat ng istasyon ng rail line na bahagi ng malawakang rehabilita­syon ng ahensya, katuwang ang maintenanc­e provider nito, ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.

Sa pagtakbo ng mga tren na 50 kph, mapapababa ang tagal ng paghihinta­y ng mga pasahero.

Mula sa dating 8.5 hanggang 9 na minutong headway o oras sa pagitan ng mga tren, bababa ito sa 5.5 hanggang 6 minuto para sa 20 tren na tumatakbo sa mainline. Kabilang na dito ang bagong bagon ng dalian.

“Ang mga ito ay nagpapatun­ay lamang na focus kami sa aming trabaho. We are going back to the original form of MRT-3. Dahil ito sa mahusay na pamumuno ng ating mahal na DOTr Secretary Art Tugade, na hangad lamang ang mabigyan ng kombinyent­eng at kumportabl­eng biyahe ang ating mga commuters,” sabi naman ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines