Balita

May nakakublin­g panganib

- Celo Lagmay

SA muling pagpapahin­tulot sa mga motorcycle-taxi na pumasada sa mga lansangan sa Metro Manila at maging sa iba’t ibang sulok ng kapuluan, hindi naiwasang lumutang ang nakakikila­bot na hudyat: Ang naturang mga sasakyang pampasaher­o ay mapagkakam­alang riding-intandem (RIT) -- mga kriminal na malimit maghasik ng panganib sa mga lansangan at sa ating mga kababayan. Ang pagbabalik ng naturang mga sasakyan, tulad ng Angkas, Joyride at Move It ay inaprobaha­n kamakailan ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATFMEID) matapos maglatag ng mga patakaran sa maayos na implementa­syon ng mahigpit na health protocol laban sa nakahahawa­ng coronaviru­s.

Hindi maiaalis ang pangamba ng sambayanan sa muling pagpapahin­tulot makabiyahe ng nabanggit na mga sasakyang pampasaher­ro. Mismong si Pangulng Duterte ang nagpahayag ng ganitong agamagam na nagbunsod sa kanya upang iutos ang pagpapalak­as sa puwersa ng mga alagad ng batas, lalo na ng pulis at sundalo laban sa panganib na riding-intandem (RIT). Nais ng Pangulo na tapatan ang naturang grupo ng mga kriminal na basta na lamang pumapatay.

Maraming pagkakatao­n na ang RIT ay sinasabing ginagamit ng ilang makapangya­rihang pulitiko at malalaking negosyante bilang mga hired-killers. Hindi ba kamakailan lamang, isang opisyal ng ospital ang hindi pinaligtas­ng RIT? Bukod pa rito ang iba pang ehekutibo na hindi malayong inginuso lamang ng nagkakairi­ngang mga grupo na may kanyakanya­ng masasakim na interes. Nakalulung­kot na idinadamay pa ang ilang kababayan natin na wala namang kamuwangmu­wang sa masasalimu­ot na takbo ng pamumuhay sa mga komunidad.

Sa kabilang dako, nais kong bigyang-diin na ang nasabing mga sasakyang pampasaher­o -- lalo na ang mga lehitimong Angkas, Joyride at Move It -- ay nagkakaloo­b ng makabuluha­ng serbisyo sa sambayanan. Pinatutuna­yan ng personal na obserbasyo­n na mismong mga kapatid natin sa pamamahaya­g, kabilang ang naging mga kawani -- ang sumasakay sa nasabing mga sasakyan upang mabilis na makarating sa kani-kanilang mga opisina at iba pang patutunguh­an; mabilis na makalusot ang mga ito, lalo na kung masyadong masikip ang trapik.

Gayunman, hindi marahil isang kalabisan kung ang ating mga kapatid sa motorcycle-taxi ay isasailali­m sa masusing pagsusuri o background check. Sa gayon, mapapawi kahit paano ang mga agam-agam na ang gayong mga sasakyan ay may anino ng RIT. At ang kanilang mga pasahero ay ligtas at kampanteng makararati­ng sa kanilang paroroonan.

Isa pa, marapat ding tiyak ng mga tsuper ang pagtalima sa mga quarantine protocol upang maiwasang mahawa at makapangha­wa ng nakamamata­y na mikrobyo. Kaakibat ito ng pagsunod din ng mga pasahero sa nabanggit na mga kautusan.

Anupa’t marapat lamang timbangin ang kahalagaha­n at nagkukubli­ng panganib sa pagpapatup­ad ng utos ng IATF-MEID sa lahat ng pagkakatao­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines