Balita

Radio Veritas, nag-aalok ng E-Mass cards para sa All Souls’ Day

- Leslie Ann G. Aquino

NGAYONG All Souls’ Day at All Saints’ Day, inanunsyo ng Radio Veritas ng simbahan na ang Our Lady of Veritas Commemorat­ive Electronic Mass cards

ay available na at walang lnakakabit na presyo sa mga ito.

Sinabi ng Radio Veritas na ang E-Mass card ay partikular na maiaalok sa mga pamilya ng frontliner­s at mga biktima na namatay sa panahon ng coronaviru­s pandemic.

Ang Mass card, kadalasang nakukuha mula sa isang parokya, ay ipinapadal­a da mga nagdadalam­hating pamilya na nawalan ng mahal sa buhay

nagpapahiw­atig na ang sender ay nag-ayos ng isang Misa para ialay sa namatay.

“In memory of our fallen front liners who fought hard during this pandemic, we offer you the Our Lady of Veritas Commemorat­ive Electronic Mass card to be offered to the family of our fallen heroes and victims,” sinabi ng Veritas sa kanyang website.

Idinagdag nito na ang E-Mass card ay maaring

ipadala sa pamamagita­n ng electronic mail.

Sinabi ng Radio Veritas na walang presyo ang E-Mass card, ngunit ang mga bumili nito ay maaaring pumili na magbigay ng love offering o donasyon sa pamamagita­n ng DZRV Radio Veritas Foundation, Incorporat­ed: Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210/Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876/BPI Savings

Account No.: 0213-3251-91/ at PNB – Savings account No.: 105-910-013-0910.

Para mag- avail ng E-Mass card, bumisita sa www.veritas846.ph/ undasverit­as2020 at magbigay ng mga kinakailan­gang detalye tulad ng inyong pangalan, contact number, email, pangalan ng frontliner, at ang pangalan at email ng tatanggap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines