Balita

Hindi dapat paniwalaan

- Ric Valmonte

SINUSPINDI ni Ombudsman Samuel Martirez ng anim na buwan ang walong senior officials ng PhilHealth na nahaharap sa mga kasong kriminal at administra­tibo. Aniya, batay sa rekord, may sapat na ebidensiya para sila isailalim sa preventive suspension. Nag-ugat ang mga kaso kaugnay ng umano ay irregular na pagpapalab­as ng P2.7 billion mula sa interim reimbursem­ent mechanism (IRM) ng PhilHealth. Ayon sa tanggapan

ng PhilHealth, ang pondo ng IRM na nakalaan para sa COVID-19 ay ibinayad sa mga health care institutio­ns na karamihan ay hindi naman gumagamot ng mga pasyenteng may karamdaman ng COVID-19.

Nauna rito, ang anomalya sa PhilHealth ay inembestig­ahan ng Senado at Kamara. Sa kanilang mahabang report bunga ng kanilang hiwalay na imbestigas­yon, pinakakasu­han din si Health Sec. Francisco Duque. Ang problema, bago pa lang simulan ang kanilang imbestigas­yon at kahit sa kasagsagan nito, hayagang sinabi ng Pangulo na malaki ang kanyang tiwala kay Duque na hindi ito sangkot sa anomalya. Hanggang ngayon, walang kasong isinampa sa tanggapan ni

Martires laban kay Sec. Duque.

Nagsimula nang magimbesti­ga ng mga anomalya sa gobyerno ang Department of Justice. Kaugnay ito sa utos ng Pangulo dahil, aniya, laganap na ang korupsyon sa gobyerno. Uunahin ng DOJ sa mga iimbeistig­ahan ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang problema ng imbestigas­yong ito sa DPWH ay tulad din ng problema sa PhilHealth, na kung nilinis na ng Pangulo ang pangalan ni Duque, ganito rin ang kanyang ginawa kay Sec. Mark Villar ng DPWH. Aniya, mayaman ito at hindi isasangkot ang kanyang sarili sa korupsyon.

Walang patutunguh­an ang mga imbestigas­yong ito sa

nalalabing panahon ng termino ng Pangulo. Kahit magbunga ang mga gagawin ng DOJ na siyang mamuno ng inter-agency against corruption, sa Office of the Ombudsman nito isasampa ang kaso. Walang kredibilid­ad si Martires na magsagawa ng patas na imbestigas­yon. Unanguna, nakuha niya ang pwesto nang katigan ang Pangulo sa pagpapatal­sik kay dating Chief Justice Lourdes Sereno. Ikalawa, hindi siya naniniwala sa mga batas na kaya naging batas, tulad ng pagsusumit­e ng Statement of Assets, Liabilitie­s and Networth (SALN) ay upang masawata ang korupsyon. Kaya, ngayon itinatago niya sa publiko ang kanyang SALN dahil napakahira­p nga naman niyang ipaliwanag na sa loob lang ng anim na buwan ng

kanyang panunungku­lan bilang Ombudsman, lumobo ng P15 million ang halaga ng kanyang ariarian. Ipinatigil niya ang lifestyle check sa kanyang tanggapan na nakatutulo­ng para malaman kung sa uri ng pamumuhay ng isang opisyal ng gobyerno ay labis na masustentu­han ng kanyang kinikita sa gobyerno.

Ayon naman kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, hihingin niya ang permiso ng Pangulo na ihayag ang kanyang SALN. Paano kung ayaw ihayag ito ni Martires. Itong mga imbestigas­yon na iniutos ng Pangulo hinggil sa anomalya sa gobyerno ay hindi kapanipani­wala kahit 91 porsyento ang kanyang approval rating, ayon sa Pulse Asia survey.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines