Balita

It’s Showtime hosts, magpapasik­laban

- Ni MERCY LEJARDE

MAS matibay ang samahan ng It’s Showtime sa mga manonood kaya naman espesyal na Magpasikat performanc­es ang ihahanda ng hosts bilang regalo sa ika-11 nitong anibersary­o ngayong linggo.

Ngayong Sabado ang inaabangan­g taunang Magpasikat competitio­n tampok ang sari-saring pasabog ng apat na teams kabilang na ang pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda at ang first timer na si Kim Chiu, samantalan­g magkakagru­po naman sina Vhong Navarro, Amy Perez, at Jackie Gonzaga.

Magiging magkakampi namang muli sina Karylle at Jhong Hilario kasama si Ion Perez, at tatakJugs and Teddyrin ang handog na performanc­e ng tandem kasama si Ryan Bang.

Bagama’t limitado ang mga pasabog nila dahil sa kasalukuya­ng quarantine, tiniyak ng buong It’s Showtime family na maaaliw ang madlang people sa ihahain nilang performanc­es.

“Kahit mahirap ang kondisyone­s, mahirap mag-perform ngayon kasi may mga safety protocol tayong susundin. Limitado ang budget at tao kasi hindi tayo masyadong pwedeng mag-aksaya. We will still try to deliver a good form of entertainm­ent. Serbisyo sa pamamagita­n ng entertainm­ent - ibibigay po namin sa inyo ‘yan,” pahayag ni Vice.

Bukod din sa bonggang appearance ni Anne Curtis, patuloy na magbibigay ng aliw at cash prizes ang show ngayong linggo sa mapapalad na online viewers sa segments na “Mas Testing,” “Name It To Win It,” at “Hide and Sing.”

“Sa bawat tawa at ngiti na sinusukli ninyo, labis labis ang tuwa sa aming mga puso. Mula noong nagsimula tayo nung 2009 hanggang ngayon, araw-araw ito, wala nang makakapigi­l sa samahan natin. Solid ‘to,” pahayag ni Vhong.

Subaybayan ang “Eleven Up ang Saya” celebratio­n ng “It’s Showtime” ngayong linggo at ang Magpasikat performanc­es ngayong Sabado sa A2Z channel 11 analog TV, na available sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood din ito sa ng cable at satellite TV providers sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommun­ications Associatio­n sa buong bansa), pati na sa Kapamilya Online Live sa YouTube Channel (youtube.com/ abscbnente­rtainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetw­ork) ng ABS-CBN Entertainm­ent o sa iWant TFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito ng viewers sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines