Balita

Zambo at Butuan, liyamado sa Chooks 3x3 Grand Finals

- Marivic Awitan

SA kabila ng pagiging paborito,wala pa ring garantiya ang Family’s Brand Sardines-Zamboanga City Chooks at Uling Roasters-Butuan City na mamayagpag sa Grand Finals ng 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup powered by TM.

Ang maganda lamang para sa Zamboanga City at Butuan City, gayundin para sa Nueva Ecija Rice Vanguards at Pasig-Sta. Lucia Realtors ay hindi na nila kailangang sumabak sa quarterfin­als ng winner-takeall tournament na magtatapos sa pamamagita­n ng isang Million-Peso Game sa Inspire Sports Academy sa Calamba,Laguna.

“We expect that any team can go all the way. We don’t underestim­ate any team,” ayon kay Uling Roasters’ top gun Franky Johnson. “We respect all these teams and what can they do.”

Ang Butuan City ang secondseed sa natipon nitong 330 puntos sa nakaraang apat na legs kasunod ng topseed Family’s Brand Sardines na may 345 puntos, pangatlo naman ang Nueva Ecija (240 points) at pang-apat ang Pasig-Sta. Lucia Realtors (215 points).

Hihintayin nila ang mga magwawagi sa apat na knockout quarterfin­al bouts na kinabibila­ngan ng tapatan ng Big Boss Cement-Porac MSC Green Gorillas (8) at Zamboanga Peninsula Valientes MLV (9), Palayan City Capitals (5) at MLV Pagadian Rocky Sports (12), Sarangani

Marlins (6) at Petra Cement-Roxas ZN Rockies (11), at Bacolod-Master Sardines (7) kontra Bicol Paxful 3x3 Pro (10).

Ang quarterfin­als, semifinals, at Finals ay pawang eliminatio­n matches at ang matitirang matibay ang tatanghali­ng top 3x3 team ng bansa at mag-uuwi ng premyong P1 milyon.

Bukod sa premyo, ang kanilang pagsali sa torneo ay bahagi rin ng paghahanda ng mga manlalaro ng Zamboanga City para sa 2021 FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament.

Samantala, nasilat ng dating bokyang Petra Cement-Roxas ZN ang Saranggani, 21-17 (9:09.5) para makausad sa quarterfin­als.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines