Balita

‘Pork’ case vs Honasan, ibinasura

- Czarina Nicole Ong-Ki

Ibinasura ng Sandiganba­yan ang kasong graft na kinakahara­p ni dating Senator Gregorio “Gringo” Honasan II at ng pitong kasmahang akusado kaugnay ng maling paggamit ng kanyang P29.1 milyong Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) noong 2012.

Sa desisyon ng 2nd Division ng anti-graft court, mahina ang iniharap na ebidensya ng prosekusyo­n laban sa dating senador.

Nagresulta ang pagbasura sa kaso nang payagan ng hukuman ang inihain ni Honasan at ng pito pang akusado na demurrer to evidence bilang pagtutol ng mga ito sa mahinang ebidensyan­g iniharap ng prosecutio­n panel.

Nauna nang kinasuhan si Honasan ng two counts ng graft, kasama sina Political Affairs and Project Coordinato­r Chief Michael Benjamin, National Council of Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Mehol Sadain, Acting Chief Accountant Fedelina Aldanese, Director III Galay Makalingga­n, Acting Chief Aurora Aragon-Mabang, and Cashier Olga Galido, gayundin ang mga pribadong indibidwal mula sa Focus Developmen­t Goals foundation, Inc. na sina Giovanni Manuel Gaerlan at Salvador Gaerlan.

Isinagawa ang pagsasampa ng kaso kaugnay pagpapalab­as ni senador ng PDAF sa NCMF noonbg Abril 2012 bilang tulong sa small and mediumscal­e livelihood projects ng mga Muslim na Pinoy sa National Capital Region (NCR) at Zambales.

Inindorso ni Honasan ang Focus bilang implementi­ng non-government organizati­on (NGO).

Gayunman, natuklasan ng Ombudsman investigat­ors na inindorso ang nasabing NGO sa kabila ng hindi pagsunod sa procuremen­t regulation­s ng pamahalaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines