Balita

World’s oldest cave painting natagpuan sa Indonesia

-

Ang pig painting sa Leang Tedongnge.

JAKARTA (AFP) — Natuklasan ng archaeolog­ists ang world’s oldest known cave painting: isang life-sized na larawan ng isang ligaw na baboy na ginawa halos 45,500 taon na ang nakararaan sa Indonesia.

Ang pagtuklas na inilarawan sa journal na Science Advances nitong Miyerkules ay nagbibigay ng pinakamaag­ang katibayan ng pagkakaroo­n ng tao sa rehiyon.

Sinabi ng co-author na si Maxime Aubert ng Griffith University ng Australia na natagpuan ito sa isla ng Sulawesi noong 2017 ng doctoral student na si Basran Burhan, bilang bahagi ng mga survey na isinagawa ng koponan kasama ang mga awtoridad ng Indonesia.

Ang kweba ng Leang Tedongnge ay matatagpua­n sa isang liblib na lambak na napapalibu­tan ng talampas ng mga limestone, at halos isang oras na lakad mula sa pinakamala­pit na kalsada.

Mapupuntah­an lamang ito sa panahon ng tagtuyot dahil sa pagbaha sa panahon ng tag-ulan, at sinabi sa grupo ng mga miyembro ng nakahiwala­y na komunidad ng Bugis na hindi pa ito nakikita ng mga taga-Kanluran.

May sukat na 136 x 54 sentimetro (53 x 21 pulgada) ang Sulawesi warty pig ay ipininta gamit ang dark red ochre pigment at may maikling at patayong buhok, at may isang pares ng mala-sungay na warts na katangian ng mga may sapat na gulang na lalaki ng species.

“The pig appears to be observing a fight or social interactio­n between two other warty pigs,” sinabi ng co-author na si Adam Brumm.

Ang dating pinakaluma­ng napetsahan na rock art painting ay natagpuan ng parehong grupo sa Sulawesi. Inilarawan nito ang isang pangkat ng mga part-human, part-animal figure na nangangaso, at napatunaya na hindi bababa sa 43,900 taong gulang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines