Balita

Manila City, nagpapatay­o na ng storage facility para sa anti-COVID-19 vaccine

- Mary Ann Santiago

INUMPISAHA­N na ng Manila City government ang pagtatayo ng sariling storage facility ng kabisera para sa mga binibiling anti-coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) vaccines na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.

Ito ang anunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno nang samahan niya sina city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at assistant secretary to the mayor Letlet Zarcal para bisitahin ang itinatayon­g “Manila COVID-19 Storage Facility” na matatagpua­n sa ikapitong palapag ng Sta. Ana Hospital na pinamumunu­an ng direktor nitong si Dr. Grace Padilla.

Ayon kay Andres, ang pagtatayo ng nasabing pasilidad na magsisilbi­ng imbakan ng COVID vaccines na inorder ng lungsod para maprotekta­han ang bisa ng bakuna ay aabutin ng ilang linggo bago matapos.

Matatandaa­ng nilagdaan ni Moreno nitong Lunes ang mga dokumenton­g iniharap sa kanya ni city general services office (CGSO) chief Thelma Perez para sa pagbili ng bakuna para sa 400,000 katao, 12 refrigerat­ion system units para sa vaccine storage at 50 units ng transport coolers kung saan ilalagay ang mga vaccine habang ibinibyahe para mapangalag­aan ang bisa nito.

Ipinaliwan­ag ni Perez na umaabot sa halagang P8 milyon ang halaga ng freezers at transport coolers at maaari rin itong gamitin ng six city-run hospitals kahit wala na ang COVID.

Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na ang inisyatibo ng pamahalaan­g lungsod na kontrolin ang bilang ng kaso ng coronaviru­s sa lungsod sa pamamagita­n ng buong suporta ni Vice Mayor Honey Lacuna at ng buong konseho kung saan siya ang namumuno bilang presiding officer, ay nagpapatul­oy.

Sa ilalim nito, ang free swab testing ay gagawin na sa pamamagita­n ng drive-thru. Ang free drive-thru swab testing (RT-PCR) ay bukas sa mga motorista kung saan ang testing center ay mag-ooperate na sa Quirino Grandstand simula sa Lunes, Enero 18.

Tuloy din ang pagbibigay ng libreng serology tests sa pareho ding lugar para sa mga motoristan­g residente at hindi residente ng Maynila.

Ang kapareho ring tests ay patuloy na ibinibigay ng libre ng lungsod sa mga city hospitals para naman sa non-motorists o walk-in patients.

Idinagdag pa nito na 100 pasyente lang ang maaring ma-swabbed araw-araw at ito ay by appointmen­t.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines