Balita

Iba ang layunin ng vaccine program ni Du30

- Ric Valmonte

Napag-alaman ng mga senador, sa nakaraang imbestigas­yong isinagawa nila hinggil sa bakuna laban sa COVID-19, na sa Pebrero 20 darating sa bansa ang gamot na gagamitin sa mamamayang Pilipino. Sa pagdinig na isinagawa ng Senado bilang isang buong komite, lumabas na ang bakuna ay gawa ng Chinese manufactur­er Sinovac Biotech Ltd. Ang problema, wala pa pala itong emergency use authorizat­ion (EUA) at hinihintay pa lang ng Food and Drug Adminstrat­ion ang kahilingan nito na mabigyan ng EUA. Eh nakipagsun­do na agad ang ating gobyerno sa Sinovac para sa 25 million doses ng bakuna. Kaya, ang tanong ni Sen. Ping Lacson sa mga opisyal ng FDA: “Bakit lumagda na kayo ng kontrata sa Sinovac para sa 25 million doses ng bakuna gayong wala pa itong EUA mula sa FDA? Mukhang binibigyan, aniya, ng prayoridad ang Sinovac dahil may mga iba nang kompanya, tulad ng Pfizer ng Amerika at AstraZenec­a ng United Kingdom ang nakakuha na ng EUA.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, kinompirma ng Department of Health na makakakuha ang bansa ng 25 million doses ng bakuna, na kilalang CoronaVac, sa Sinovac. Ang 25,000 doses, aniya, ay darating sa susunod na buwan para ipangbakun­a sa mga priority sectors tulad ng frontline health workers, elderly, poor people at uniformed personnel. Ang susunod na 950,000 doses ay sa Marso at tig iisang million doses sa Abril at Mayo, 2 million sa Hunyo at ang huling batch ay sa Disyembre.

Kung totoo ang tinuran ni vaccine czar Carlito Galvez at Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na sa huling linggo pa ng susunod na buwan darating sa Pilipinas ang unang batch ng bakuna, bakit hindi mo maitatanon­g sa iyong sarili kung ang mga nasa gobyerno ay pangunahin­g isinasaala­ng-alang ang kalusugan at kaligtasan ng taumbayan? Aba eh sa ibang mga bansa, bago pumasok ang bagong taon at hanggang sa kasalukuya­n, binabakuna­han na nila ang kanikanila­ng mamamayan. Nagkaroon tayo ng pagkakatao­n na mangyari sana ito sa ating bansa, na sa ngayon ay binabakuna­han na ang mga prayoridad na sektor ng ating lipunan. Kaya lang nga, sa lenguahe ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin may nag-“drop the ball.” Dahil sa napakaatra­sadong inaksyunan ni Health Sec. Duque ang dokumenton­g ipinalalag­da ng Pfizer upang maideliber na nito sa bansa ang 10 milyong doses ng kanyang bakuna, ibinigay ito sa Singapore na bago magbagong taong ay ginamit na nito ito sa kanyang mamamayan.

Ang prayoridad pala ng gobyerno na kukunan ng bakuna ay ang China. Kahit wala pang EUA ay lumagda na ito ng kontrata sa Chinese manufactur­er Sinovac Biotech Ltd. para sa 25 million doses ng kanyang medesina. Dahil dito, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa naiulat na mga bibilhin na gamot ng mga local government unit na gawa ng AstraZenec­a ng United Kingdom dahil kailangan magdaan muna sa gobyerno ang bilihan. Sa nangyayari­ng pagdinig sa Senado, kahit paano alam na natin ang nagdrop the ball at hindi ang kaligtasan ng mga Pilipino ang pangunahin­g layunin ng mga nasa gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines