Balita

Magpaturok ng Sinovac vaccine – Roque

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Hindi nag-aalala ang Malacañang sa posibilida­d na pipiliin ng mga Pilipino na hindi mapabilang sa programa ng pagbabakun­a ng gobyerno laban sa COVID-19 dahil sa bakunang Sinovac ng China, idiniin na alam na ng mga tao kung bakit nagpasya ang gobyerno na piliin ang nasabing tatak.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al spokesman Harry Roque habang pinapaigti­ng ng gobyerno ang mga hakbang nito sa informatio­n campaign tungkol sa pagiging epektibo at kaligtasan nito.

Sa kanyang presser nitong Huwebes, sinabi ni Roque na hindi sila nag-aalala tungkol sa mga Pilipino sa online na ipinahahay­ag ang kanilang pagnanais na maghintay lamang sa pagdating ng ibang tatak sa halip na maturulan ng bakunang Chinese. "Alam niyo po, hindi!" aniya. Ipinaliwan­ag ni Roque na alam ng publiko na nais lamang ng gobyerno na protektaha­n ang mga mamamayan mula sa COVID-19, lalo na ngayong ang bago at mas nakakahawa­ng variant ng virus ay pumasok na sa bansa.

"Sa tingin ko po, itong ginagawa natin na pagpapaliw­anag, bagama’t hinahaluan ng pulitika po ng mga kritiko ng administra­syon ay maiintindi­han naman po ng taumbayan kung ano ang ginagawa ng gobyerno," aniya.

"Sinisiguro na ang pinakamara­ming Pilipino ay mabigyan ng proteksiyo­n laban sa COVID-19 sa panahon na pumasok na nga po ang new variant," dagdag niya.

Sinabi ng mga eksperto sa kalusugan sa bansa na ang bagong variant ng COVID-19 na nagmula sa United Kingdom ay 56 porsyenton­g higit na nakahahawa.

Hinimok ni Roque noong Biyernes ang mga Pilipino na magpabakun­a ng Sinovac, sinabing walang dahilan para mag-alala sila dahil halos lahat ng mga item sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay ginawa sa China.

"From kinakain to ginagamit sa bahay halos lahat po iyan made in China. Ganoon din po siguro ang mangyayari sa vaccine, wala pong pagbabago iyan sa ating pang-arawaraw na buhay," sabi niya.

Kamakailan ay bumili ang gobyerno ng 25 milyong dosis ng bakuna sa Sinovac.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines