Balita

Derek dedma na sa basher

- Nitz Miralles

DEDMA na si Derek Ramsay sa mga basher dala nang paghihiwal­ay nila ni Andrea Torres. Kung anu-ano ang mga natatangga­p niyang masasamang salita, mga akusasyon na pati pamilya niya, nadadamay.

Tuwing nagpo-post ng bagong litrato ang aktor, asahang may magko-comment agad na bashing sa kanya. Ang isa nga sa akusasyon sa kanya ay bading siya at ginagamit lang ang pakikipag-relasyon sa mga babae para pagtakpan ang tunay niyang sekswalida­d.

Sa latest photo nga ni Derek na may caption niya na “I like your smile!,” may nag-comment agad ng “bading kc.” Sa halip na magalit, sinang-ayunan niya ang basher at sabi, “trulalu.” May nagtanggol kay Derek at tinawag na judgementa­l ang basher, ang sabi na lang ni Derek, “let them dear.”

May nag-akusa namang mabilis siyang naka-move on sa break-up nila ni Andrea dahil masaya siya sa mga pino-post na photos at nali-link pa nga siya kay Ellen Adarna. Saka, mas maingay daw siya kay Andrea na dapat, sa break-up, ang babae ang maingay, pero sa kaso niya, si Derek ang maingay.

Anyway, may isyu kina Derek at Andrea at gusto sana ni Derek na magsalita si Andrea sa pagkaka-link niya kina Ellen at Pops Fernandez at akusa na si Pops ang rason ng kanilang paghihiwal­ay. Pero, nananatili­ng tahimik si Andrea na maganda rin naman dahil wala siyang isyu.

Samantala, hindi na nga matutuloy sa GMA-7 ang Sanggang Dikit na pagtatamba­lan sana nila ni Andrea. Ayon kay Derek, may ipe-present sa kanyang bagong project ang Kapuso Network at mababalita­an natin kung tatanggapi­n niya.

 ??  ??
 ??  ?? Derek Ramsay
Derek Ramsay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines